Monday, June 8, 2009

Chippy ng Dubai

.
0 << mga komento

Matagal tagal ko na ring di nakakausap si Chippy sa YM, ang friend kong nag alsa balutan dalawang taon na ang nakakaraan upang subukin ang kanyang kapalaran sa Dubai. Nagsawa na di umano siya sa pagsunod-sunod at pag paswit ng mga Saudi kaya't nag desisyon siyang umalis at talikuran na ang kanyang madilim na nakaraan, isang desisyong nag ahon sa kanya sa putikan na kanyang nasadlakan ng ilang taon tulad ni Nena (yung babaing nag ta-trabaho sa club dahil ang tatay niya ay naipit ang makina sa pabrika habang ang Nanay naman niya ay may sakit) . Anyhow, marami kaming napag usapan ni Chippy tulad ng buhay niya sa Dubai, pamilya, yung kapitbahay niya sa San Andres Bukid na madalas niyang ikwento sa akin noong araw pati ang mga bagay bagay na bumabagabag sa kanya nitong mga nakaraang araw. Kabado na ako sa tema ng kwento niya kaya’t sinubukan kong mag paalam na pero palagi niya akong pinakikiusapang makipag kwentuhan pa, hanggang sa ang usapan ay napunta na nga sa kinatatakutan ko…..

Chippy: “Fren may gusto akong sabihin sa iyo, matagal ko na itong kinikimkim kaya siguro ngayon na ang tamang panahon, alam mo gusto ko na talagang magbagong buhay”

Marge: “Hah! Ahh ehhh Oo naman dapat lang, mahirap ang buhay diyan sa loob kaya magbago ka na pag laya mo”

Chippy: “Taena! Hindi ako nakakulong noh! Ang ibig kong sabihin eh gusto ko ng mag asawa kasi alam mo na wala namang pinanghahawakan ang relasyon natin sa kapwa lalake kumpara sa straight people.

Marge: “Wag mo nga akong isama sa mga problema mo noh”. “Besides ano ba ang pumasok sa utak mo at sinasabi mo iyan? Nagumon ka na ba sa droga?"

Chippy: “Baliw! Di ako addict hindi ka pa rin nagbabago, gusto mong maramdaman ko na ako lang ang marumi at ikaw lang ang ubod ng linis. Ang Peyk Peyk mo, magpakatotoo ka nga!

Marge: “Kung ayaw mo ng makipagrelasyon sa mga lalake, pwede mo naman subukin na pumatol sa mga Metro Sexual or Bi, sila ung mga lalaki na may malalaking muscles at talagang lalaking lalaki sa isip, sa salita, maliban lang sa gawa, uso naman ang lokohan ngayon diba? magpanggap ka na lang na kunwari di mo alam na bading siya”

Chippy: “Taena friend walang ganyanan, ayoko sa mga tulingan, may lason ang mga iyan sa buntot, baka iyan pa ang ikamatay ko” “Seryoso talaga ako hindi ako nagbibiro”.

Marge: “Wag ako ang tanungin mo sa mga bagay na iyan kasi wala akong maipapayo sa iyo….hello hello choppy ka friend di kita marinig hello hello”

Chippy: “Baliw di mo talaga ako maririnig kasi walang webcam ang YM mo. Magtigil ka nga… tinatanong kita kaya sagutin mo ako ng maayos”

Marge: “Ano ba talaga ang gusto mo sa buhay? Ano naman ang kasiguruhan mo diyan sa lesbian relationship na iyan kung sakali?”

Chippy: “I want to get married, tapos to have kids, build a house with my wife, educate our children and bring them to school, grow old together with my wife.............”.

Di ko na talaga kinaya kaya nag sign out na lang ako sa YM. Siguro mag a-alibi na lang ako na naputulan ng ADSL connection. Natural lang kay Chippy ang ma-possess paminsan minsan ng mga engkanto, sigurado akong kinabukasan lang balik na naman iyan sa dating niyang gawi; ang gumasta sa mga boytoys niya hmp..