Monday, July 27, 2009

Wanted: Jem Abanto Miranda

.
6 << mga komento

Kakaloka naman talaga ang sinapit ng isa nating kababayan sa Dubai na naloko ng sarili niyang kalahi. May isa na namang maswerte na umuwi ng Pinas tangay ang salapi na hindi naman niya pinag pinaghirapan. Naku Ate Jem kahit saan ka magtago sa Pilipinas hindi ka pa rin makakaligtas sa pagbabayad ng mga kasalanan mo. Matakot ka...baka karmahin ka ng bonggang bongga.

Basahin ang kalakip na chika patungkol kay Jem.

-----Original Message-----

From: ferdi@zamiltravel. com [mailto:ferdi@ zamiltravel. com]
Sent: Saturday, July 25, 2009 12:27 PM
To: undisclosed- recipients
Subject: [Fw: ABUSADONG KABAYAN]

Baka kakilala nyo ang taong ito!

VERY BAD!

Magandang Araw Po sa Lahat!

Minarapat ko na isulat sa ating lenguahe ang kahiya hiyang ginawa ng taong ito sa aking kapatid at para na rin di malaman ng ibang lahi ang kasamaang ginawa nito at mawalan ng tiwala sa mga Pinoy. Kapitbahay nila ito dati at dahil sa kagandahang loob ng ate ko ay pinasok sa kanilang kumpanya. Ang ate ko ay awtorisadong tao para mag deposito, or makipag-usap sa bangko ng bawat transakyon nya doon. Ito si Jem na to ay P.R.O. nila at sya ang gumagawa ng pagbabayad or anumang transaksyon sa bangko na inuutos ng management sa ate ko at sya ang nagsasabi dito sa P.R.O. na to.

Nung July 19, 2009, may perang tinakbo ang taong ito na humigit kumulang 250,000 dirhams. Dahil ang ate ko ang nagrekomenda sa taong ito, at sya ang nagsasabi sa bangko na pwede i-encash ng taong ito ang pera dahil sa mga pambayad ito ng visa. Nalalagay po sa panganib ang ate ko ngayon. Sinabi kasi ng Jem na ito na bukas na lang ibabayad yung pera, kinutuban ang ate ko pero dahil may tiwala rin sya na babalik ito kinabukasan sa opisina, ayun at nasa eroplano na kinabukasan at nasa Pilipinas na ang magnanakaw!

Sa ating mga kababayan, ang ate ko ngayon ay nadidiin at merong 48 hours na lang para gawin nya lahat makakaya nya at mabawi ang pera. Kung may alam man kayong maitutulong ay malaking pasasalamat ko na at sa pagbasa ng email na to.

Nasa Manila na sya kahapon ng alas diyes ng umaga. Baka kilala nyo sya at malaman ko kung anong exact address nito para makagawa na rin ng action ang mga kakilala natin sa pinas.

Wag po natin sana gayahin ang mga taong ganito. Pinagmalasakitan mo na...binigyan ka pa ng problema.

Maraming salamat po!

Nakalakip po dito ang passport at picture ng mandurugas na ito.

Thursday, July 23, 2009

Isporti Pokie

.
0 << mga komento

Ang bayan ng Jubail ay isang maliit na siyudad kung saan ang mga pinoy, indiano, at kung ano-ano pang nationalidad ay nagsisiksikan bunsod ng paglago ng negosyo sa nasabing lugar. Nandito ang pinakamalaki at modernong Industrial City sa buong kaharian. Sa dami ng pinoy dito at mga bading na naglipana sa daan, iisipin mong nasa Quiapo ka lamang lalo na kung araw ng biyernes. Likas sa mga pinoy ang madiskarte upang labanan ang homesickness. Kung ikaw ay isports minded na tao, maraming pasilidad dito na may kinalaman sa isport ang pwede mong puntahan katulad na lang ng basketball at tennis courts na halos lahat na yata ng kampo ay mayroon na, magaganda rin ang gym dito na punong puno ng mga kalalakihan este ng mga magagandang pasilidad. Kung ikaw naman ay mahilig sa scuba diving, may mga magagandang diving spots din ang Jubail na pwedeng puntahan. Napili ni pokie ang scuba diving dahil siguro sa kanyang hilig sa swimming. Ito po ang kanyang photo na magpapatunay ng kanyang pagkahilig dito >>>Photo

Wednesday, July 22, 2009

Unang Tibok ng Puso

.
3 << mga komento

Dear Aling Charo,

Bakit maraming mga pangyayari sa ating buhay ang hindi natin mahanapan ng paliwanag. Katulad na lamang ni Aling Dionisia na kailangan pang mag artista gayon may commercial na siya ng gin? bakit kailangan ni Kris Aquino at Boy Abunda na magkaroon ng album gayon hindi naman sila kumakanta? at bakit kailangang bunutin ng isang tao ang kanyang buhok sa ilong (in full force) gayung alam naman niya kung gaano ito kasakit. Ako po ay nahaharap sa ganitong sitwasyon sa kasalukuyan. Nagsimula po ang aking problema mula ng makatanggap ako ng isang email (with attachment) mula sa isang dating kakilala. Nakaka surprise po ang biglang pagkukulay rosas ng aking paligid as in “pulang pula” ito talaga. Lahat ng ito ay dahil lamang sa email na yaon (with attachment). Ang aking buong akala ay nakalimutan ko na po siya matapos ang napakaraming taon. Nagsimula muli akong guluhin ng kanyang pangitain na para bagang isang bangaw na ayaw akong tantanan. Ako po ay nasa gitnang silangan sa kasalukuyan at tahimik na naghahanapbuhay samantalang siya po ay nasa Pilipinas. Ang buong akala ko ang katagang “first love never dies” eh linya lamang ng isang kanta, or dialogue ng mga taong sawi sa pag ibig at ginagawang excuse ang pagiging loveless nila subalit sa lahat naman ng tatamaan ng lintek - mukhang totoo nga ang kasabihang ito dahil ang pagmamahal ko sa email sender na ito ay hindi mamatay-matay na para bagang si Wolverine ng X-Men. Bakit ba hindi ko siya maiwaksi sa aking isipan gayon hindi ko na po siya muling nakita sapul ng ako’y lumayas ng pilipinas at mapabilang sa mga tinatawag na Bagong Bayani labing apat na taon na ang nakalilipas. Ang masakit pa ay may asawa na po siya at mga anak sa kasalukuyan. Paulit ulit na nanunumbalik sa aking isipan yaong mga panahon ng aming kamusmusan sa Kalookan, ang aming madalas na paglalaro ng tumbang preso, luksong tinik, taguan, penpen de sarapen at walang humpay na takbuhan hanggang sa manakit ang aming mga tagiliran. Madalas ko po siyang dinadaya sa mga laro na parati naman niyang pinalalampas, nagkukunwari siyang talo gayon alam naman naming pareho na siya ang panalo (ganun po siya kabait sa akin). Siya lamang po ang bukod tanging pinagkakatiwalaan ng aking mga magulang sampu ang aking mga kalaro dahil bukod sa kanyang angking kabaitan ay likas na po sa kanya ang pagiging bolero kahit siya'y musmos pa lamang. Halos sa aming bahay na siya lumaki Ate Charo, maaga pa lamang po ay nasa amin na siya bago pa kami mag agahan, hanggang sa mananghalian, at uuwi lamang sa kanila matapos niyang mag hapunan. Napaniwala niya na ang aking mga magulang na kaligtasan ko ang kanyang unang prioridad sa buhay samantalang palagi naman niya akong kinukulong sa sarili kong kuwarto tuwing siya’y magkakaroon ng pagkakataon upang ako’y pilitin na maglaro ng Atari - na para bagang isang anyo na rin ng reyp sa akin dahil mas feel kong mag laro ng bahay-bahayan noong mga panahon na iyon. Madalas pong siya ang gumaganap na Tatay at ako naman po ang Nanay, ang aking pinsan na si Nenette ang madalas na gumaganap na aming panganay na anak. Ang buong akala ko ay magbabago na siya ng pakikitungo sa akin mula ng siya ay tumuntong ng high school Ate Charo subalit nagkamali po ako. Madalas pa rin niya akong kinukulong sa aking kuwarto tuwing walang tao sa aming bahay - hindi para mag laro ng atari katulad ng kanyang naka gawian kung hindi para manood ng X-rated films (hayy I missed my high school days). Ngayon nararamdaman ko na malapit na muling mag krus ang aming landas pagkatapos ng napakatagal na panahon, magulo ang isip ko sa kasalukuyan Aling Charo, may namamahay na kaba sa aking dibdib, subalit may konting kilig. Natatakot akong baka maibigay ko ang lahat lahat sa kanya kapag kami ay magkaharap muli; ang mga pinagputahan ko ng ilang taon sa pangingibang bayan ng dahil lamang sa isang napakatamis na ngiti mula sa kanyang mga labi; ganun po kasi ka lakas ang epekto ng hunghang na ito sa aking buhay. Wag naman po Lord! Maawa po kayo sa akin. Tulungan nyo po ako Aling Charo sa aking suliranin.


Nagmamahal,

Marge


Mga insultong natanggap:

Pokie:

Ang landi mo! Pokpok ka talaga! Bakit may ganun pa?

Greta:

Nyahahahahaha move on na kasi eh!

Bibi:

Ano ba iyan! Bakit may ganyan pa! Kaya ka ba bumili ng bagong mamahaling relo para sa kanya? Home wrecker nyahahahaha.

Tuesday, July 21, 2009

Ang Panaghoy ni Bibi (Part 2)

.
0 << mga komento

Masaya kaming nag ku-kwentuhan sa bahay kagabi ng patakbong lumabas ng kuwarto si Bibi na nag ka-crayola pagaspas:

Greta:

Sinong namatay?

Bibi:

Wala mare! galit na galit lang ako kasi ang BF ko napatunayan kong niloloko ako!

Marge:

Anong bago? ung BF mo na mas makapal pang mag pulbo sa iyo? paano mo naman nalaman?

Bibi:

Waaaaa! kanina habang kasama ko siya sa restaurant, tiningnan ko ang kanyang wallet habang naghuhugas siya ng kamay. May nakita akong mga pictures.

Marge:

Walangya talaga iyang mga lalaki na iyan matapos magpa bili sa iyo ng ipod ganyan ang gagawin sa iyo. Mga manloloko.

Pokie:

Dapat diyan sa mga iyan bitayin. Sobrang nakakainis.

Marge:

Kinonpronta mo na ba siya?

Bibi:

Kinuha ko nga ung picture, ebidensiya baga kung sakaling magkaroon kami ng komprotasyon.

Pokie:

Patingin nga?

Bibi:

Tingnan ninyo....ang dami dami niyang kasama ang kapal ng mukhaaaaaaaaaa! Tapos may ganung pang mga pose, tama ba naman iyon!!!! Tingnan nyo Etooooooo!

Marge:

Naku nini addict ka? dapat yata ikaw ang bitayin leche ka!

Friday, July 17, 2009

Kwentong Suso

.
0 << mga komento

Friday, umaatikabong kwentuhan sa bahay dahil walang TFC (na disconnect ang serbisyo - di naka bayad on time ang mga bakla).

Marge:

Grabe anong gagawin natin mga ineng sumasakit na ang mata ko sa kaka surf sa internet. Di naman tayo makagala kasi ang init sa labas.

Bibi:

Mag bingo kaya tayo.

Greta:

Bakit may bingo ba tayo? Di ba wala baliw!

Pokie:

Grabe naman itong mga kababayan natin, pati ba naman ung suso ni GMA eh pakialaman talaga!

Greta:

Hah! Diba matagal na iyang usapan? Ano ka ba Pokie luma na iyang diyaryo na binabasa mo.

Pokie:

Whatever! Hindi naman yata makatarungan na sukatin natin ang kakayahan ng isang pangulo dahil sa laki ng kanyang suso. Siyempre bukod sa pag iintindi sa ating mga pinoy eh may responsibilidad din siya kay FG. Para naman ganahan ung matanda pag nag lo-loving sila. Ewwwww.

Marge:

Ano ka ba di naman ginamit na sukatan, maliit lang talaga ang sukat. Nyahahaha.

Pokie:

Pero parang wirdo nga noh! Headline ng bandila: Pangulo ng pilipinas nagpalaki ng suso! Ang sagwa.

Greta:

Siyempre siya ang lider ng ating bansa, dapat lang na ipangalandakan niya sa ibang bansa na ang mga pinay kahit maliit may malalaki namang suso.

Bibi:

Korek! Natatandaan nyo ba si Erap dati, parang alimango kung maglakad. Nung pumunta siya sa America nalilito ang mga security niya kasi di nila malaman kung ka-kaliwa, ka-kanan or didiretso ba sa pag lakad niya.

Marge:

Kailan kaya tayo magkakaroon ng presidente na bading? Ang saya siguro.

Bibi:

Naku antayin nyong manalo si Roxas. Kaso medyo paminta ang lola nyo diba nga ginamit pa si Korina para gawing first lady kuno kuno nyahahahaha. Etchinera. Sumakay pa ang pokpok sa padyak para convincing nyahahahaha.

Marge:

Bading ba iyon? Kala ko si John Osmena lang at si Maceda ang mga miyembro ng federasyon sa gobyerno.

Bibi:

Ako ang gusto ko si Bhoy Abunda ang tumakbo bilang presidente. Para parati tayong kumakausap sa salamin. Unang proyekto ng kanyang gobyero, salamin para sa bawat kanto ng barangay. Hindi na papasok sa trabaho ang bawat pinoy na gusot ang buhok kasi parating may salamin sa harapan nyahahaha.

Greta:

Ako gusto ko si Chokoleit. Imagine pag nilagay si Chokie sa pera ang ganda niya siguro. Tapos pag tiningnan mo sa kabilang side picture ng Tarsier ang makikita mo. Mahirap mapeke.

Pokie:

Kayo talaga! Mas gusto ko si Manny Pacquiao na lang. At least makikita na natin parati si Aling Dionisia sa TV.

Katahimikan….

SACO: Scene op da Crime (chossss)

.
0 << mga komento

Huwebes, habang naglilibot ang mga ateng sa Soco este Saco sa Fanateer para bumili ng power adapter ni Greta. Hindi maitago ni Bibi ang kanyang pagkairita:

Bibi:

Ang arte kasi eh pwede namang mabili sa mga Asra Asra (Anek Anek store na puro 5 SAR) iyang hinahanap natin eh. Iinom pa ako ng gamot remember.

Greta:

Ano ka ba puro cheapangga ang mga mabibili natin duon baka masunog pa ang laptop ko.

Bibi:

Hello! lahat naman ng gamit natin sa hausing eh sa asra asra lang nabibili. Nagmamaganda ka na ngayon. Alam mo Greta minsan masyado kang OA diyan sa laptop mo.

Marge:

Hamo na siya Bibi ganyan talaga iyang kafatid natin na iyan. Diba nga ayaw niyang ilapag ung pc niya sa floor kasi nga baka daw pumasok ung maliit na ipis tapos baka duon pa raw atakihin sa puso habang naglilibot sa loob. Diba kakaiba.

Bibi:

Praning kamo!

Pokie:

Kuya ano ito? para saan ito? At taga saan ka huh?

Customer 1:

Power Grinder iyan. Pampakinis ng mga bagay bagay. Taga downtown po ako.

Pokie:

Greta halika tingnan mo ito, baka makatulong ito sa iyo pampakinis daw.

Greta:

Taena mo anong tingin mo sa face ko tabla!

Marge:

Nyahahahahaha. Ang ganda pala dito mga Ateng, ang mga boylet na namimili eh talagang mga lalaking lalaki. Tingnan nyo ung mga kabayan natin dun sa kabila. Diba cute silang tingnan habang hawak ang martilyo, screw driver, drill, lagare, at kung ano ano pa. Nakakadagdag talaga ng appeal.

Greta:

Halika Pokie hawakan mo itong lagare. Bitawan mo nga iyang maleta na iyan at tigilan mong mag ilusyon na isa ka sa mga maleta girls ni Kris. Hawakan mo ito tapos tumayo ka dito.

Greta:

Kalokohan, tingnan mo nga si Pokie kahit pahawakin ko pa ng lagare, martilyo, grinder, at kung ano ano pa eh di naman siya naging cute at lalaking lalaki. Pero in fairness Pokie papasa kang karpintero hah.

Pokie:

Taena mo! Halika na umuwi na tau. May bisita tayo bukas mga ateng.

Greta:

Sino naman?

Pokie:

Ung kabayan natin na iyon isasama daw niya ung dalawa niyang kasamahan.

Marge:

Diyan ka magaling sa pag iinvite ng kung sino sino sa bahay. Malapit na tayong maging feeding center alam mo ba iyon.

Pokie:

Ate naman minsan lang naman ito please…..


Wednesday, July 15, 2009

Ang Panaghoy ni Bibi

.
0 << mga komento

Kagabi, habang naghahanda sa pagtulog ang mga lola ninyo sa bahay, nakarinig kami ng impit na nanggagaling sa kwarto nila Bibi at Pokie. Medyo nakakatakot ang eksena dahil ang alam namin eh walang tao sa kanilang kuwarto ng mga oras na iyon.

Greta:

Ano yun? may pusa bang nanganganak sa bubong?

Marge:

Tingnan mo nga nena parang diyan galing sa kwarto nila Bibi at Pokie.

Greta:

Bibi...Pokie.... anjan ba u? di ba ang usapan natin bawal magdala ng lalaki dito sa bahay.

Bibi:

Gaga!! Lalaki ka jan! Masakit ang ngipin ko kanina pa. Di pa nga ako kumakain mula kaninang tanghali Huhuhu.

Marge:

Nabalitaan mo na ung bagong tuklas na gamot? ung Panadol?

Bibi:

Uminom na ako kaso pabalik balik ang sakit huhuhuhu.

Greta:

Patingin nga? (Ngumanga ang Bibi na sobrang ikinatakot namin dahil halos nakita na namin pati ang laman loob niya).

Marge:

Nini konting nganga lang please! Ayy may butas ang tooth mo Hija. Kailangan na iyang pastahan. Hala bukas samahan mo siya Greta kay Doktora.

Bibi:

Sinong doktora?

Marge:

Ung dentista duon sa Dispensary malapit sa Kudu.

Bibi:

Dios ko ayoko nga duon sa lola nyo! Sobrang kung managa ng mga pasyente niya samantalang nag lalaglagan naman ang mga pasta niya. Saka balita ko di naman iyon magaling. May lisensiya ba iyon? Miyembro ba siya ng PAMET?

Marge:

Gaga! hindi PAMET!... PDA as in Philippine Dental Association.

Bibi:

Whatever! Basta ayoko duon wala akong tiwala sa kanya, una kasamahan siya ni Trillanes. Masama daw ugali nun, mahilig mag maganda eh sa liblib na probinsiya naman nag aral ng kurso niya. Baka nga hindi pa iyon accredited sa DECS.

Marge:

DepEd tanga! ang arte mo! sge dalhin na lang iyan sa Al-Mouwasat or JND. Nanduon pa ba ung bading na nurse sa JND? Yung akala mo eh mason sa construction pero nurse pala?

Bibi:

Sino naman iyon? Ayoko nga sabi sa mga bading eh.

Marge:

Nini goodluck sa iyo. Lahat na ng sulok ng Jubail may bading na.

Monday, July 13, 2009

Bakla Bakla Paano mo iyan nagawa?

.
0 << mga komento

Maingay ang usap usapan sa bayan ng Jubail ang balita tungkol sa isang bading na nanloko sa kanyang mga kababayan. Ito ang buod ng mga kwentuhan:-

Bibi:

Que barbaridad! Nakakainis talaga itong kapatid natin na dating nagtatrabaho sa Olayan Descon na walang awang itinakbo ang pera ng ating mga kababayan.

Greta:

Hah! Grabe naman iyan nakakahiya! bading na nga ganun pa ang ginawa. Disgrace talaga sa sangkabektasan. Manloloko pati perang pinaghirapan ng kanyang mga kababayan eh itakbo pa. Dapat diyan ibitin ng patuwad.

Marge:

Ayy oo narinig ko rin iyan, siya ung nag papaupa kuno kuno sa flat niya tapos nanghingi ng advance payment kasi magbabayad na raw siya sa landlord. Kamukat mukat mo eh pauwi na pala sa Pilipinas ang walanghiya at on exit visa take note. Di ba talagang walanghiya ang lola nyo! Alam nyo ban a tinawagan ng kanyang mga naloko ang number ng kapatid niya sa Pilipinas na nakatira sa Novaliches, aba ang sabi eh hinahanap din daw nila ang bakla kasi ultimo pagkamatay ng nanay niya mismo eh dinedma! Kung hindi ba naman likas na walanghiya ang loka.

Bibi:

Hayy naku talagang kahit saan may anay, dapat diyan puksain na. Eh ano daw ang sabi ng jowa niyang basketbolista na nagtatrabaho sa AYTB na ang pangalan eh parang brand ng sapatos?

Pokwang:

Naku wala raw siyang kinalaman sa ginawa ng bading, sa katunayan niloko din daw siya ng bektas.

Marge:

Ganun! Ikaw ba maniniwala sa kwento na iyan? Kalokohan, jowa niya di niya alam kung may balak na masama. Humppp! Mamatay na sana ang sinungaling.

Bibi:

Salbahe talaga ang pangalan pa naman niya eh hango si Bibliya nagsisimula sa Letter M, tunog santo pero nuno pala ng mga manloloko.

Pokwang:

Ano nga ang name? Marie? Marielle?, Marky?

Marge:

Nyahahahahaha

Laos ka na!

.
0 << mga komento


Habang nanonood ng The Buzz ang mga bading kagabi, hindi naiwasan ng mga ito na mag react sa itinuran ni Freddie Aguilar na “Unggoy” daw ang tingin ng ibang tao sa ating mga Filipino dahil mahilig lang daw mang gaya.

Bibi:

Grabe naman itong si Freddie tawagin bang unggoy sila Regine, Arnel, at Charice! Idinamay pa si Ateng Mariah sa mga patutsada niya na may bahid naman ng inggit.

Greta:

Saan ka naman nakakakita ng unggoy na sobrang puti nyahahahaha.

Marge:

Masyadong OA kesyo may nag offer daw sa kanya ng Milyones sa America noong kasikatan niya at tinangihan niya kasi mas pinili niya ang maging isang Filipino. Diyos ko naman saan naman kaya siya dinala ng kanyang pagiging isang Filipino kung totoo ung mga sinasabi niya. Alam nyo mga Ateng, kung artist ka dapat wala kang pinipiling lenguahe sa pagkanta. Kung pakakantahin ka ng English sa America eh dapat lang, ang lagay eh kumanta ka ng Sarumbanggi sa Oprah!! Ka cheapan. Ayaw pang tanggapin na laos na siya, tapos na ang eksena niya kaya atupagin na lang niya ung karinderia niya. Lahat tayo may hinahangaan, nagkataon na lang na si Whitney at Celine ang kay Charice. Kaya Ka Freddie bakit hindi ka na lang mag rebelde, mamundok, at sumama sa mga tulisan.

Bibi:

Nena ang puso mo! Hamo na iyang si Freddie sus tingnan mo nga siya para siyang si Undertaker na nagtae! Saan ka naman nakakita ng Filipino na nakasuot ng pang cowboy? Lahat naman ng Laos ganyan, mahilig manira ng mga nasa rurok ng tagumpay .

Pokwang:

Oo nga diba ganyan naman ang isang taong may hinahangaan, talagang ginagaya mo siya. Ung pamangkin ko nga nini naririndi ako kasi ang favourite niya eh Aegis. Pag bumirit parang gustong lumabas ung sanggol sa sinapupunan ko.

Marge:

Naku wag na ninyong patulan, baka gusto lang niyang i-revive ung career niyang matagal ng pumanaw.

Tuesday, July 7, 2009

The Global Bading

.
0 << mga komento

Habang masayang nag di-dinner si Pokie, Greta, Bibigandangpato, at yours truly sa Jubail Center kanina lamang, hindi nakaligtas sa aming matatalim na mga mata mula sa aming kinauupuan ang grupo ng mga bading na nagtatawanan:-

Pokie:

Grabe namang magtawanan ang mga mga ateng ninyo, iyan yata ang tinatawag nating kaligayahan to the highest level.

Greta:

Hayaan mo nga sila inaano ka ba nila? siguro likas lang silang masayahin.

Bibigandangpato:

Oo nga keber mo nga sa kanila. Wag makialam!

Marge:

Ano ba kayo, puro kasi chismis ang inaatupag ninyo eh hindi nyo ba nabasa sa Wikipedia kanina ung Happy Planet Index with matching rankings of the happiest countries in the World. Basahin ninyo dito.

Pokie:

Taena hindi lang ito pang dito dito lang, pang global na ang sinasabi ni Marge Bwahahaha, talaga lang ha may listahan pa.

Greta:

Ano naman ang kinalaman niyang Happy Planet Index na iyan sa mga bading sa kabilang table, asan ang connect?

Marge:

Heller, di mo ba na connect, ayon sa listahan ng mga masasayang tao sa buong mundo, ang pilipinas ay pang ika labing apat sa listahan. Ibig sabihin, likas lang sa ating mga pinoy ang pagiging masayahin katulad ng mga ate ninyo sa kabilang lamesa.

Greta:

Taena, paano ka ba naman sasaya eh puro na lang kare kare ang alam ihain ng restaurant na ito with matching makating bagoong. Pwes hindi iyan totoo hindi ako masaya!

Marge:

Alam mo ba na ang Saudi Arabia eh ika labing tatlo sa listahan, ibig sabihin mas masaya pa sa ating mga pinoy ang mga tao sa bansang ito.

Bibigandangpato:

Hah! kalookahan, ano naman ang ikakasaya ng mga tao dito! tumingin ka nga sa paligid mo? masaya ka ba kung ganyan ang ipapasuot sa iyo araw-araw? Asan ang fashion statement?

Marge:

You missed the point bibi. Katulad ng mga ateng ninyo sa kabilang lamesa, pati na rin tayo dito sa lamesa natin, isama mo pa ung mga nasa kaliwa at kanang lamesa, sila ang dahilan ng pag akyat ng antas ng kaligayan ng bansang ito.

Bibigandangpato:

You mean, tama ang usap usapan na ang totoong bayani ng ating lipunan eh ang mga bading at hindi ang mga guro, pulis, inhinyero, at doktor? Wow proud naman akengkay.

Marge:

Oo nga, ng dahil sa ating mga bakla umakyat ang bansang ito mula ika-walumpu at siyam na pwesto nuong 2006 hanggang makarating sa ika labing tatlong pwesto nitong 2009.

Greta:

Ang ibig mo bang sabihin eh ng dahil sa paglipat ng sandamakmak na bakla dito sa kaharian eh tumaas ang kanilang ranggo na naging dahilan naman ng pagkonti ng mga bading sa ating bansa. Oo nga may point ka dun ateng.

Marge:

Korak! pero hindi nakakabalaha ang pagdami ng ating populasyon dito sa kaharian dahil libo libo pa ring bading ang nasa elementarya, high school at kolehiyo sa kasalukuyan, patunay lamang na tuloy tuloy ang ating salin lahi sa mga darating pang henerasyon.

Bibigandangpato:

Oo nga ang galing mo ateng Marge. Ang saya saya. Let's party!!!!!
Sing after me...."Ang mga bakla ang nagpasimula ng kasiyahan sa buong kaharian kung walang bakla eh walang lalandi sa mga boylets na ubod ng kati......lalalalala.

Saturday, July 4, 2009

I am poor (Translation: Majirap na akish)

.
0 << mga komento

Habang abala sa panonood ng TFC ang mga bakla nuong isang gabi - bigla na lang uminit ang mga ulo ng mga ito ng dahil lamang sa pag papalabas ng pabulosang bertday ni Madam Imelda na noon ay abala sa pag iistima ng kanyang mga tanders na bisita habang suot suot ang kanyang mga jolahas na kasing laki ng mga mamiso. Hindi nakaligtas sa mga ate ninyo na punahin ang kanyang magarbong selebrasyon:


Bibingandangpato:

Taena itong si Imelda akala mo nangungutya; diba nuong isang linggo lang sinasabi niya na naghihirap na siya na ulitmo pension nung kanyang namayapang jowa eh ginagamit na niya. With matching crayola pa ang ateng ninyo habang nakasuot ng Oakley sunglasses.

Greta:

Korak ka jan! asan na ung ung kanyang magagarbong damit na akala mo eh isa siyang YRH.

Bibigandangpato:

Anong YRH?

Greta:

Your Royal Highness gaga! Diba siya ung mahilig sa mga corona at skepter na akala mo eh sasagala sa Flores de Mayo?

Bibingandangpato:

Bakit kasi may ganun pa eh!

Greta:

Paano naman siya paniniwalang naghihirap eh kuntodo mok up pa ang hitad at naka jolahas pa na mukhang di kakayanin ni tambunting tumbasan kung isasanla sa kanya.

Marge:

What about her Araneta daughter? not to mention Imee and Bongbong Marcos who are all filthy rich! I don't think that they will allow their mother dear to suffer just like that.

Bibigandangpato:

Uwian na nag english na ang lola nyo nyahahahahaha.

Greta:

Iyan ang mga klase ng taong sumisira sa ating lipunan. Ewan ko ba kung bakit maraming nagpapaloko kay Imelda gayung puro pagpapaganda lang naman ang alam niyang sabihin. Bakit mapapakain ba tayo ng kagandahan? Kung hindi ba sa kanyang makapal na mok up eh mas maganda pa sa kanya siguro si Madam Auring. Ano naman ang alam niya sa paghihirap eh puro pagpapasarap lang naman ang inatupag niya habang nasa poder pa sila ng kanyang under de saya na jowa.

Bibigandangpato:

Pati tuloy ang mga bakla ginagaya na siya kamukha nitong nasa ibaba. Reyna reynahan ang lola nyo! Ano siya reyna ng Canal dela Reina sa Binondo? Ambisyosa - masamang ehemplo sa mga kafatid nating nakababata hummmp!



Friday, July 3, 2009

Mga Bakla sa Disyerto

.
0 << mga komento

Nagkakagulo ang mga bakla kagabi sa bahay habang pinanood ng isang video sa youtube na hindi ko alam kung saan nila nahagilap. Iba iba ang reaksyon ng mga bakla, may galit na galit, may tuwang tuwa, meron din namang kinikilig (may ganun talaga), una kong inisip na baka iyon na ang latest jubail scandal na pinagbibidahan ni Hi-den at Katih Camuten kayat itinigil ko muna ang pagsasampay para mag usyoso. Hindi pala! video ito ng mga boylets na grabeng mag pa cute habang kumakanta.

Heto ang review

Video No. 1: Mga Tambay



Mga Komento:

Bibingandangpato:

Tangna ang kakapal ng mukha...mga adik sa kanto!

Greta:

Anong palagay nyo sa aming mga bakla bangko? Pakyu!

Pokwang:

Isang bagsak nga ng tsinelas diyan! Sobrang panlalait naman iyan sa mga vektas buti sana kung mga pogi...Pakyu din!

Ngayon ito naman ang pangalawa:

Video No. 2: Mga college dudes



Mga komento:

Bibigandangpato:

Wow nini crushness ko ung naka black...delicious!

Greta:

Tanga dalawa ang naka black alin dun? Infurness cute nga sila!

Pokwang:

Naku lapitan lang ako ng isa diyan bibili ko siya ng swatch...pwamis!

Conclusion ni Marge:

Taena nyo eh ano ba ang pinagkaiba ng dalawang video? dahil ba mas cute ung mga kumakanta sa pangalawang video gayung parehas lang naman ang kinakanta nila....pineperahan ang mga bakla. Mga letse matulog na kayo.

Thursday, July 2, 2009

Hi-den Nag Sorry

.
1 << mga komento

Hi-den: I am Sorry (Sorry Talaga)
News Flash....mainit init pa (fresh from inudoro yuck)

Katatapos lang ng hearing sa himpilan ng baranggay matapos dinggin ang reklamo ni Katih kay Hi-den matapos itong umamin na siya ang may pakana ng pag kalat ng hubad na picture ni Katih. Present sa meeting si Kapitan, mga kagawad, mga tanod, pati na rin ang sandamakmak na usisero at mga chismosa sa buong bayan ng Jubail. Nanduon din siyempre sa hearing ang mga bida sa scandal na sila Hi-den Cam at Katih Camuten kasama ang kanilang mga abugado. Napag desisyunan sa hearing na tumagal ng halos limang minuto lamang na i-uurong ni Kathi ang kanyang demanda kapalit ng pag hingi ng tawad ni Hi-den sa kanyang mga nagawa. Pumirma sa isang manipesto si Hi-den patunay sa kanyang pangako na hindi na niya guguluhin ang bagong mag jowa na si Kathi at Count Dracula sa kanilang masayang pagsasama. Marami ang nagulat sa desisyon ni Kathi na humingi lamang ng napaka gaan na parusa sa nasasakdal.

Ito ang panayam ng ating field reporter sa kanya pagkatapos ng hearing sa labas mismo ng himpilan ng barangay... pasok pokie (parang bastos)

Pokwang:

Ms. Kathi bakit parang napaka gaan naman ng parusa na hiningi mo para kay Hi-den pagkatapos niyang ipangalandakan sa buong bayan ang iyong paninda este ang iyong hubad na larawan.

Kathi Camuten:

Masyado kasing mababa ang loob ko madali akong naawa lalo pat sinsero ang humihingi ng paumanhin sa akin. Hindi naman daw niya sinasadya ang mga pangyayari.

Pokwang:

Hah! hindi niya sinasadya matapos niyang i-photoshop ung picture tapos mag photocopy pa. Ano yun nabigla lang siya?

Kathi Camuten:

Iyon ang sabi niya naniwala naman ako. Nakita nyo naman ung picture niya sa news daba, halos nag mamakaawa na siya sa pag sorry sa akin. Di ba kapitan nakakaawa siya sa picture niya.

Pokwang:

Tingnan mo ngang mabuti ang picture niya sa news, paano mo naman nasabing sinsero siya, ni wala nga siyang salawal bagkus nakalabas pa ang kanyang ari na parang naninigas pa. Hindi ka ba natatakot na may mga grupo ng mga kababaihan na magagalit sa iyo dahil sa pag atras mo ng demanda. Paano na ang dignidad, respeto sa iyo bilang babae, at sa mga nakakita ng larawan mo, hindi ka ba nagagalit dahil hindi na iyon mabubura sa isipan ng mga manyakis sa paligid natin? Marami din daw sa mga kababayan natin ang isinugod sa ospital kanina dahil sa panlalambot at pagkahimatay dahil nawalan sila ng gana sa pagkain matapos makita ang picture sa kanilang mga pintuan kaninang umaga.

Kathi Camuten:

Asus iyon lang ba? wala iyon kung gusto mo bigyan ko pa kayo ng pictures eh, marami ako niyan.

Pokwang:

Ewan bahala ka! Balik sa iyo julius.....

Marge:
(astang Ces Drillon)

Iyon po mga kababayan ang bagong mga pangyayari dito sa bayan ng Jubail. Ganun lang po natapos ang scandal ni Kathi at Hi-den na hindi man lang tumagal ng 24 hours. Marami ang nagalit dahil sa hindi inaaasahang verdict ng kaso. Katulad ng mga ibang kaso, wala naman po tayong magagawa dahil iyon pa ang naging desisyon ni Ms. Kathi Camuten. Hanggang sa muli eto po si Marge Singson...nag uulat!



Iba Punta (Hindi sa Palengke)

.
0 << mga komento

Usap usapan kagabi sa aming tahanan ang isang nurse ng Almana General Hospital na tatawagin nating Christi. Kakaiba ang gimik ng babaing ito dahil sa halip na mamili sa bayan katulad ng nakagawian ng ibang nurses tuwing weekend; siya naman po ay abala sa kanyang kalaguyo na nakatira malapit sa Coco Restaurant. Wala pong karamdaman ang lalaki na kanyang binibisita, siya po marahil ang may sakit sa pag iisip dahil bukod sa hindi naman kaguwapuhan ang kanyang kinakalantari eh mukhang marumi pa sa katawan. May kinakasama na di umano ang lalaki na ito na isang nuno ng mga butangera sa bayan ng jubail. Nagkaroon ng munting survey sa bahay at ito po ang naging katanungan. Kung ikaw ang lalapitan ni Cristi, sasama ka ba?

Kasagutan:

Pokwang:

Heller pwede ba!

Bibigandangpato:

No way Ewwwwwwwwww!

Marge:

Let her go to hell!!

Greta:

Sa kanya na ang paninda niya!

Qatif Street Scandal

.
0 << mga komento

News Flash...mainit init pa (fresh from the oven).

Binulagbog kaninang umaga ang mga residente ng Qatif Street sa Bayan ng Jubail ng isang hubad na larawan ng isang babae na nakapaskil sa mga pintuan ng mga establismento dito. Ayon sa report, ang babaing nasa larawan ay ang babae mismo na unang napabalita sa website na ito na umiwan sa kanyang unang kinakasama upang sumama sa ibang lalaki dahil sa pagiging galante ng huli. Marami ang nagbigay ng espekulasyon na may kinalaman ang dati niyang kinakasama na si Hi-den sa pagkalat ng nasabing hubad na larawan. Narito po ang panayam namin kay Hi-den na suspect sa pagkakalat ng iskandalosong larawan ni Katih, pasok pokie

Pokwang:

Magandang umaga po! Malamang po eh alam na ninyo ang dahilan ng aming panayam sa inyo. Sinasabi po kasi sa report na kayo daw po ang may kinalaman sa pag papaskil ng hubad na larawan ng inyong dating kinakasama na si Katih sa mga pintuan ng mga tindahan dito sa Qatif Street, totoo po ba iyon?

Hi-den:

Taena bakit ako ang pinagbibintangan niya! bakit ako lang ba ang may picture niya na nakahubad?

Pokwang:

Sinasabi din po ng maraming nakakakilala sa inyo eh kayo daw po ay may kakayahan na gumawa ng ganyang mga karumaldumal na mga gawain; marami din po kasi ang nagsasabi na mahilig daw po kayong mag show sa internet ng nakahubo't hubad, in fact mahilig daw kayong mag "batibot" sa harap ng webcam.

Hi-den:

Ano naman ang kinalaman ng pag so-show ko sa usapan natin?

Pokwang:

Gusto ko lang po kasing malaman na totoo ba ang usap usapan na kayo daw po ay manyakis tulad ng sinasabi ng una ninyong kinakasama na si Katih.

Hi-den:

Naku hindi totoo iyan in fact madasalin akong tao kahit tanungin mo pa ang mga kainuman ko ngayon.

Mga Kainuman:

Kainuman 1:

Oo hikkkk totoo na mahtinong tao itung si Hi-den hikkkk...siya nga ang nagpapainom sa ahmin eeeehhhh hikkkkkk

Kainuman 2:

Mismo!!! Winner!!! Dahling of the crowd iyang si Hi-den ahihihihihi (sagot ng bading na kainuman).

Kainuman 3:

Pokie balita namin mayaman ka, pautang naman, kahit may interest pa.

Kainuman 4:

Tagay pokie!!!!

Pokwang:

Naku wag na lang po, thank you Marvin pero di ako umiinom. Ok na po sa akin na napa unlakan ni Hi-den ang aking panayam sa kanya...

Pokwang:

Balik sa iyo julius.....

Hi-den:

Sandali pokie..pwede ko bang mahingi ang cell number mo? alam mo pwede ka....gusto mo phone sex tayo?

Pokwang:

Leche...manyakis ka!!!!

Iyon po ang ating panayam kay Hi-den na suspect sa pag papaskil ng mga hubad na larawan ni Katih. Susubukan po natin na hingin ang panig ni Katih na kasalukuyang kausap ang punong barangay para mag reklamo, ayon sa aming insider, iminumungkahi ni Katih sa punong barangay na alisan ng lisensiya si Hi-den upang hindi na ito makapag maneho ng sasakyan.