Wednesday, July 15, 2009

Ang Panaghoy ni Bibi

.

Kagabi, habang naghahanda sa pagtulog ang mga lola ninyo sa bahay, nakarinig kami ng impit na nanggagaling sa kwarto nila Bibi at Pokie. Medyo nakakatakot ang eksena dahil ang alam namin eh walang tao sa kanilang kuwarto ng mga oras na iyon.

Greta:

Ano yun? may pusa bang nanganganak sa bubong?

Marge:

Tingnan mo nga nena parang diyan galing sa kwarto nila Bibi at Pokie.

Greta:

Bibi...Pokie.... anjan ba u? di ba ang usapan natin bawal magdala ng lalaki dito sa bahay.

Bibi:

Gaga!! Lalaki ka jan! Masakit ang ngipin ko kanina pa. Di pa nga ako kumakain mula kaninang tanghali Huhuhu.

Marge:

Nabalitaan mo na ung bagong tuklas na gamot? ung Panadol?

Bibi:

Uminom na ako kaso pabalik balik ang sakit huhuhuhu.

Greta:

Patingin nga? (Ngumanga ang Bibi na sobrang ikinatakot namin dahil halos nakita na namin pati ang laman loob niya).

Marge:

Nini konting nganga lang please! Ayy may butas ang tooth mo Hija. Kailangan na iyang pastahan. Hala bukas samahan mo siya Greta kay Doktora.

Bibi:

Sinong doktora?

Marge:

Ung dentista duon sa Dispensary malapit sa Kudu.

Bibi:

Dios ko ayoko nga duon sa lola nyo! Sobrang kung managa ng mga pasyente niya samantalang nag lalaglagan naman ang mga pasta niya. Saka balita ko di naman iyon magaling. May lisensiya ba iyon? Miyembro ba siya ng PAMET?

Marge:

Gaga! hindi PAMET!... PDA as in Philippine Dental Association.

Bibi:

Whatever! Basta ayoko duon wala akong tiwala sa kanya, una kasamahan siya ni Trillanes. Masama daw ugali nun, mahilig mag maganda eh sa liblib na probinsiya naman nag aral ng kurso niya. Baka nga hindi pa iyon accredited sa DECS.

Marge:

DepEd tanga! ang arte mo! sge dalhin na lang iyan sa Al-Mouwasat or JND. Nanduon pa ba ung bading na nurse sa JND? Yung akala mo eh mason sa construction pero nurse pala?

Bibi:

Sino naman iyon? Ayoko nga sabi sa mga bading eh.

Marge:

Nini goodluck sa iyo. Lahat na ng sulok ng Jubail may bading na.

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment