Friday, July 17, 2009

SACO: Scene op da Crime (chossss)

.

Huwebes, habang naglilibot ang mga ateng sa Soco este Saco sa Fanateer para bumili ng power adapter ni Greta. Hindi maitago ni Bibi ang kanyang pagkairita:

Bibi:

Ang arte kasi eh pwede namang mabili sa mga Asra Asra (Anek Anek store na puro 5 SAR) iyang hinahanap natin eh. Iinom pa ako ng gamot remember.

Greta:

Ano ka ba puro cheapangga ang mga mabibili natin duon baka masunog pa ang laptop ko.

Bibi:

Hello! lahat naman ng gamit natin sa hausing eh sa asra asra lang nabibili. Nagmamaganda ka na ngayon. Alam mo Greta minsan masyado kang OA diyan sa laptop mo.

Marge:

Hamo na siya Bibi ganyan talaga iyang kafatid natin na iyan. Diba nga ayaw niyang ilapag ung pc niya sa floor kasi nga baka daw pumasok ung maliit na ipis tapos baka duon pa raw atakihin sa puso habang naglilibot sa loob. Diba kakaiba.

Bibi:

Praning kamo!

Pokie:

Kuya ano ito? para saan ito? At taga saan ka huh?

Customer 1:

Power Grinder iyan. Pampakinis ng mga bagay bagay. Taga downtown po ako.

Pokie:

Greta halika tingnan mo ito, baka makatulong ito sa iyo pampakinis daw.

Greta:

Taena mo anong tingin mo sa face ko tabla!

Marge:

Nyahahahahaha. Ang ganda pala dito mga Ateng, ang mga boylet na namimili eh talagang mga lalaking lalaki. Tingnan nyo ung mga kabayan natin dun sa kabila. Diba cute silang tingnan habang hawak ang martilyo, screw driver, drill, lagare, at kung ano ano pa. Nakakadagdag talaga ng appeal.

Greta:

Halika Pokie hawakan mo itong lagare. Bitawan mo nga iyang maleta na iyan at tigilan mong mag ilusyon na isa ka sa mga maleta girls ni Kris. Hawakan mo ito tapos tumayo ka dito.

Greta:

Kalokohan, tingnan mo nga si Pokie kahit pahawakin ko pa ng lagare, martilyo, grinder, at kung ano ano pa eh di naman siya naging cute at lalaking lalaki. Pero in fairness Pokie papasa kang karpintero hah.

Pokie:

Taena mo! Halika na umuwi na tau. May bisita tayo bukas mga ateng.

Greta:

Sino naman?

Pokie:

Ung kabayan natin na iyon isasama daw niya ung dalawa niyang kasamahan.

Marge:

Diyan ka magaling sa pag iinvite ng kung sino sino sa bahay. Malapit na tayong maging feeding center alam mo ba iyon.

Pokie:

Ate naman minsan lang naman ito please…..


0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment