Friday, July 17, 2009

Kwentong Suso

.

Friday, umaatikabong kwentuhan sa bahay dahil walang TFC (na disconnect ang serbisyo - di naka bayad on time ang mga bakla).

Marge:

Grabe anong gagawin natin mga ineng sumasakit na ang mata ko sa kaka surf sa internet. Di naman tayo makagala kasi ang init sa labas.

Bibi:

Mag bingo kaya tayo.

Greta:

Bakit may bingo ba tayo? Di ba wala baliw!

Pokie:

Grabe naman itong mga kababayan natin, pati ba naman ung suso ni GMA eh pakialaman talaga!

Greta:

Hah! Diba matagal na iyang usapan? Ano ka ba Pokie luma na iyang diyaryo na binabasa mo.

Pokie:

Whatever! Hindi naman yata makatarungan na sukatin natin ang kakayahan ng isang pangulo dahil sa laki ng kanyang suso. Siyempre bukod sa pag iintindi sa ating mga pinoy eh may responsibilidad din siya kay FG. Para naman ganahan ung matanda pag nag lo-loving sila. Ewwwww.

Marge:

Ano ka ba di naman ginamit na sukatan, maliit lang talaga ang sukat. Nyahahaha.

Pokie:

Pero parang wirdo nga noh! Headline ng bandila: Pangulo ng pilipinas nagpalaki ng suso! Ang sagwa.

Greta:

Siyempre siya ang lider ng ating bansa, dapat lang na ipangalandakan niya sa ibang bansa na ang mga pinay kahit maliit may malalaki namang suso.

Bibi:

Korek! Natatandaan nyo ba si Erap dati, parang alimango kung maglakad. Nung pumunta siya sa America nalilito ang mga security niya kasi di nila malaman kung ka-kaliwa, ka-kanan or didiretso ba sa pag lakad niya.

Marge:

Kailan kaya tayo magkakaroon ng presidente na bading? Ang saya siguro.

Bibi:

Naku antayin nyong manalo si Roxas. Kaso medyo paminta ang lola nyo diba nga ginamit pa si Korina para gawing first lady kuno kuno nyahahahaha. Etchinera. Sumakay pa ang pokpok sa padyak para convincing nyahahahaha.

Marge:

Bading ba iyon? Kala ko si John Osmena lang at si Maceda ang mga miyembro ng federasyon sa gobyerno.

Bibi:

Ako ang gusto ko si Bhoy Abunda ang tumakbo bilang presidente. Para parati tayong kumakausap sa salamin. Unang proyekto ng kanyang gobyero, salamin para sa bawat kanto ng barangay. Hindi na papasok sa trabaho ang bawat pinoy na gusot ang buhok kasi parating may salamin sa harapan nyahahaha.

Greta:

Ako gusto ko si Chokoleit. Imagine pag nilagay si Chokie sa pera ang ganda niya siguro. Tapos pag tiningnan mo sa kabilang side picture ng Tarsier ang makikita mo. Mahirap mapeke.

Pokie:

Kayo talaga! Mas gusto ko si Manny Pacquiao na lang. At least makikita na natin parati si Aling Dionisia sa TV.

Katahimikan….

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment