Masaya kaming nag ku-kwentuhan sa bahay kagabi ng patakbong lumabas ng kuwarto si Bibi na nag ka-crayola pagaspas:
Greta:
Sinong namatay?
Bibi:
Wala mare! galit na galit lang ako kasi ang BF ko napatunayan kong niloloko ako!
Marge:
Anong bago? ung BF mo na mas makapal pang mag pulbo sa iyo? paano mo naman nalaman?
Bibi:
Waaaaa! kanina habang kasama ko siya sa restaurant, tiningnan ko ang kanyang wallet habang naghuhugas siya ng kamay. May nakita akong mga pictures.
Marge:
Walangya talaga iyang mga lalaki na iyan matapos magpa bili sa iyo ng ipod ganyan ang gagawin sa iyo. Mga manloloko.
Pokie:
Dapat diyan sa mga iyan bitayin. Sobrang nakakainis.
Marge:
Kinonpronta mo na ba siya?
Bibi:
Kinuha ko nga ung picture, ebidensiya baga kung sakaling magkaroon kami ng komprotasyon.
Pokie:
Patingin nga?
Bibi:
Tingnan ninyo....ang dami dami niyang kasama ang kapal ng mukhaaaaaaaaaa! Tapos may ganung pang mga pose, tama ba naman iyon!!!! Tingnan nyo Etooooooo!
Marge:
Naku nini addict ka? dapat yata ikaw ang bitayin leche ka!
Tuesday, July 21, 2009
Ang Panaghoy ni Bibi (Part 2)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment