Wednesday, July 22, 2009

Unang Tibok ng Puso

.

Dear Aling Charo,

Bakit maraming mga pangyayari sa ating buhay ang hindi natin mahanapan ng paliwanag. Katulad na lamang ni Aling Dionisia na kailangan pang mag artista gayon may commercial na siya ng gin? bakit kailangan ni Kris Aquino at Boy Abunda na magkaroon ng album gayon hindi naman sila kumakanta? at bakit kailangang bunutin ng isang tao ang kanyang buhok sa ilong (in full force) gayung alam naman niya kung gaano ito kasakit. Ako po ay nahaharap sa ganitong sitwasyon sa kasalukuyan. Nagsimula po ang aking problema mula ng makatanggap ako ng isang email (with attachment) mula sa isang dating kakilala. Nakaka surprise po ang biglang pagkukulay rosas ng aking paligid as in “pulang pula” ito talaga. Lahat ng ito ay dahil lamang sa email na yaon (with attachment). Ang aking buong akala ay nakalimutan ko na po siya matapos ang napakaraming taon. Nagsimula muli akong guluhin ng kanyang pangitain na para bagang isang bangaw na ayaw akong tantanan. Ako po ay nasa gitnang silangan sa kasalukuyan at tahimik na naghahanapbuhay samantalang siya po ay nasa Pilipinas. Ang buong akala ko ang katagang “first love never dies” eh linya lamang ng isang kanta, or dialogue ng mga taong sawi sa pag ibig at ginagawang excuse ang pagiging loveless nila subalit sa lahat naman ng tatamaan ng lintek - mukhang totoo nga ang kasabihang ito dahil ang pagmamahal ko sa email sender na ito ay hindi mamatay-matay na para bagang si Wolverine ng X-Men. Bakit ba hindi ko siya maiwaksi sa aking isipan gayon hindi ko na po siya muling nakita sapul ng ako’y lumayas ng pilipinas at mapabilang sa mga tinatawag na Bagong Bayani labing apat na taon na ang nakalilipas. Ang masakit pa ay may asawa na po siya at mga anak sa kasalukuyan. Paulit ulit na nanunumbalik sa aking isipan yaong mga panahon ng aming kamusmusan sa Kalookan, ang aming madalas na paglalaro ng tumbang preso, luksong tinik, taguan, penpen de sarapen at walang humpay na takbuhan hanggang sa manakit ang aming mga tagiliran. Madalas ko po siyang dinadaya sa mga laro na parati naman niyang pinalalampas, nagkukunwari siyang talo gayon alam naman naming pareho na siya ang panalo (ganun po siya kabait sa akin). Siya lamang po ang bukod tanging pinagkakatiwalaan ng aking mga magulang sampu ang aking mga kalaro dahil bukod sa kanyang angking kabaitan ay likas na po sa kanya ang pagiging bolero kahit siya'y musmos pa lamang. Halos sa aming bahay na siya lumaki Ate Charo, maaga pa lamang po ay nasa amin na siya bago pa kami mag agahan, hanggang sa mananghalian, at uuwi lamang sa kanila matapos niyang mag hapunan. Napaniwala niya na ang aking mga magulang na kaligtasan ko ang kanyang unang prioridad sa buhay samantalang palagi naman niya akong kinukulong sa sarili kong kuwarto tuwing siya’y magkakaroon ng pagkakataon upang ako’y pilitin na maglaro ng Atari - na para bagang isang anyo na rin ng reyp sa akin dahil mas feel kong mag laro ng bahay-bahayan noong mga panahon na iyon. Madalas pong siya ang gumaganap na Tatay at ako naman po ang Nanay, ang aking pinsan na si Nenette ang madalas na gumaganap na aming panganay na anak. Ang buong akala ko ay magbabago na siya ng pakikitungo sa akin mula ng siya ay tumuntong ng high school Ate Charo subalit nagkamali po ako. Madalas pa rin niya akong kinukulong sa aking kuwarto tuwing walang tao sa aming bahay - hindi para mag laro ng atari katulad ng kanyang naka gawian kung hindi para manood ng X-rated films (hayy I missed my high school days). Ngayon nararamdaman ko na malapit na muling mag krus ang aming landas pagkatapos ng napakatagal na panahon, magulo ang isip ko sa kasalukuyan Aling Charo, may namamahay na kaba sa aking dibdib, subalit may konting kilig. Natatakot akong baka maibigay ko ang lahat lahat sa kanya kapag kami ay magkaharap muli; ang mga pinagputahan ko ng ilang taon sa pangingibang bayan ng dahil lamang sa isang napakatamis na ngiti mula sa kanyang mga labi; ganun po kasi ka lakas ang epekto ng hunghang na ito sa aking buhay. Wag naman po Lord! Maawa po kayo sa akin. Tulungan nyo po ako Aling Charo sa aking suliranin.


Nagmamahal,

Marge


Mga insultong natanggap:

Pokie:

Ang landi mo! Pokpok ka talaga! Bakit may ganun pa?

Greta:

Nyahahahahaha move on na kasi eh!

Bibi:

Ano ba iyan! Bakit may ganyan pa! Kaya ka ba bumili ng bagong mamahaling relo para sa kanya? Home wrecker nyahahahaha.

3 comments

Anonymous said...

Uyyyy kilala ko siya - grabe hangang ngayon love mo pa si pakie?

Anonymous said...

It iѕ appropriate time tο make somе
plans for the longer term and it's time to be happy. I've гeаd this
publіsh and if Ι mаy I want to suggest
you some fascinаting іsѕues oг tips.
Maybe you cοuld wгite subsequent articles relating to thiѕ article.
I desire to learn eѵen more issues approximаtely it!


Heгe іs my ωeb pagе :: fast payday loans

Anonymous said...

Yeѕ! Finally someonе ωrites about keyword.


My blog ... payday loans

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment