Thursday, July 23, 2009

Isporti Pokie

.

Ang bayan ng Jubail ay isang maliit na siyudad kung saan ang mga pinoy, indiano, at kung ano-ano pang nationalidad ay nagsisiksikan bunsod ng paglago ng negosyo sa nasabing lugar. Nandito ang pinakamalaki at modernong Industrial City sa buong kaharian. Sa dami ng pinoy dito at mga bading na naglipana sa daan, iisipin mong nasa Quiapo ka lamang lalo na kung araw ng biyernes. Likas sa mga pinoy ang madiskarte upang labanan ang homesickness. Kung ikaw ay isports minded na tao, maraming pasilidad dito na may kinalaman sa isport ang pwede mong puntahan katulad na lang ng basketball at tennis courts na halos lahat na yata ng kampo ay mayroon na, magaganda rin ang gym dito na punong puno ng mga kalalakihan este ng mga magagandang pasilidad. Kung ikaw naman ay mahilig sa scuba diving, may mga magagandang diving spots din ang Jubail na pwedeng puntahan. Napili ni pokie ang scuba diving dahil siguro sa kanyang hilig sa swimming. Ito po ang kanyang photo na magpapatunay ng kanyang pagkahilig dito >>>Photo

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment