Tuesday, July 7, 2009

The Global Bading

.

Habang masayang nag di-dinner si Pokie, Greta, Bibigandangpato, at yours truly sa Jubail Center kanina lamang, hindi nakaligtas sa aming matatalim na mga mata mula sa aming kinauupuan ang grupo ng mga bading na nagtatawanan:-

Pokie:

Grabe namang magtawanan ang mga mga ateng ninyo, iyan yata ang tinatawag nating kaligayahan to the highest level.

Greta:

Hayaan mo nga sila inaano ka ba nila? siguro likas lang silang masayahin.

Bibigandangpato:

Oo nga keber mo nga sa kanila. Wag makialam!

Marge:

Ano ba kayo, puro kasi chismis ang inaatupag ninyo eh hindi nyo ba nabasa sa Wikipedia kanina ung Happy Planet Index with matching rankings of the happiest countries in the World. Basahin ninyo dito.

Pokie:

Taena hindi lang ito pang dito dito lang, pang global na ang sinasabi ni Marge Bwahahaha, talaga lang ha may listahan pa.

Greta:

Ano naman ang kinalaman niyang Happy Planet Index na iyan sa mga bading sa kabilang table, asan ang connect?

Marge:

Heller, di mo ba na connect, ayon sa listahan ng mga masasayang tao sa buong mundo, ang pilipinas ay pang ika labing apat sa listahan. Ibig sabihin, likas lang sa ating mga pinoy ang pagiging masayahin katulad ng mga ate ninyo sa kabilang lamesa.

Greta:

Taena, paano ka ba naman sasaya eh puro na lang kare kare ang alam ihain ng restaurant na ito with matching makating bagoong. Pwes hindi iyan totoo hindi ako masaya!

Marge:

Alam mo ba na ang Saudi Arabia eh ika labing tatlo sa listahan, ibig sabihin mas masaya pa sa ating mga pinoy ang mga tao sa bansang ito.

Bibigandangpato:

Hah! kalookahan, ano naman ang ikakasaya ng mga tao dito! tumingin ka nga sa paligid mo? masaya ka ba kung ganyan ang ipapasuot sa iyo araw-araw? Asan ang fashion statement?

Marge:

You missed the point bibi. Katulad ng mga ateng ninyo sa kabilang lamesa, pati na rin tayo dito sa lamesa natin, isama mo pa ung mga nasa kaliwa at kanang lamesa, sila ang dahilan ng pag akyat ng antas ng kaligayan ng bansang ito.

Bibigandangpato:

You mean, tama ang usap usapan na ang totoong bayani ng ating lipunan eh ang mga bading at hindi ang mga guro, pulis, inhinyero, at doktor? Wow proud naman akengkay.

Marge:

Oo nga, ng dahil sa ating mga bakla umakyat ang bansang ito mula ika-walumpu at siyam na pwesto nuong 2006 hanggang makarating sa ika labing tatlong pwesto nitong 2009.

Greta:

Ang ibig mo bang sabihin eh ng dahil sa paglipat ng sandamakmak na bakla dito sa kaharian eh tumaas ang kanilang ranggo na naging dahilan naman ng pagkonti ng mga bading sa ating bansa. Oo nga may point ka dun ateng.

Marge:

Korak! pero hindi nakakabalaha ang pagdami ng ating populasyon dito sa kaharian dahil libo libo pa ring bading ang nasa elementarya, high school at kolehiyo sa kasalukuyan, patunay lamang na tuloy tuloy ang ating salin lahi sa mga darating pang henerasyon.

Bibigandangpato:

Oo nga ang galing mo ateng Marge. Ang saya saya. Let's party!!!!!
Sing after me...."Ang mga bakla ang nagpasimula ng kasiyahan sa buong kaharian kung walang bakla eh walang lalandi sa mga boylets na ubod ng kati......lalalalala.

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment