Monday, July 13, 2009

Laos ka na!

.


Habang nanonood ng The Buzz ang mga bading kagabi, hindi naiwasan ng mga ito na mag react sa itinuran ni Freddie Aguilar na “Unggoy” daw ang tingin ng ibang tao sa ating mga Filipino dahil mahilig lang daw mang gaya.

Bibi:

Grabe naman itong si Freddie tawagin bang unggoy sila Regine, Arnel, at Charice! Idinamay pa si Ateng Mariah sa mga patutsada niya na may bahid naman ng inggit.

Greta:

Saan ka naman nakakakita ng unggoy na sobrang puti nyahahahaha.

Marge:

Masyadong OA kesyo may nag offer daw sa kanya ng Milyones sa America noong kasikatan niya at tinangihan niya kasi mas pinili niya ang maging isang Filipino. Diyos ko naman saan naman kaya siya dinala ng kanyang pagiging isang Filipino kung totoo ung mga sinasabi niya. Alam nyo mga Ateng, kung artist ka dapat wala kang pinipiling lenguahe sa pagkanta. Kung pakakantahin ka ng English sa America eh dapat lang, ang lagay eh kumanta ka ng Sarumbanggi sa Oprah!! Ka cheapan. Ayaw pang tanggapin na laos na siya, tapos na ang eksena niya kaya atupagin na lang niya ung karinderia niya. Lahat tayo may hinahangaan, nagkataon na lang na si Whitney at Celine ang kay Charice. Kaya Ka Freddie bakit hindi ka na lang mag rebelde, mamundok, at sumama sa mga tulisan.

Bibi:

Nena ang puso mo! Hamo na iyang si Freddie sus tingnan mo nga siya para siyang si Undertaker na nagtae! Saan ka naman nakakita ng Filipino na nakasuot ng pang cowboy? Lahat naman ng Laos ganyan, mahilig manira ng mga nasa rurok ng tagumpay .

Pokwang:

Oo nga diba ganyan naman ang isang taong may hinahangaan, talagang ginagaya mo siya. Ung pamangkin ko nga nini naririndi ako kasi ang favourite niya eh Aegis. Pag bumirit parang gustong lumabas ung sanggol sa sinapupunan ko.

Marge:

Naku wag na ninyong patulan, baka gusto lang niyang i-revive ung career niyang matagal ng pumanaw.

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment