Saturday, July 4, 2009

I am poor (Translation: Majirap na akish)

.

Habang abala sa panonood ng TFC ang mga bakla nuong isang gabi - bigla na lang uminit ang mga ulo ng mga ito ng dahil lamang sa pag papalabas ng pabulosang bertday ni Madam Imelda na noon ay abala sa pag iistima ng kanyang mga tanders na bisita habang suot suot ang kanyang mga jolahas na kasing laki ng mga mamiso. Hindi nakaligtas sa mga ate ninyo na punahin ang kanyang magarbong selebrasyon:


Bibingandangpato:

Taena itong si Imelda akala mo nangungutya; diba nuong isang linggo lang sinasabi niya na naghihirap na siya na ulitmo pension nung kanyang namayapang jowa eh ginagamit na niya. With matching crayola pa ang ateng ninyo habang nakasuot ng Oakley sunglasses.

Greta:

Korak ka jan! asan na ung ung kanyang magagarbong damit na akala mo eh isa siyang YRH.

Bibigandangpato:

Anong YRH?

Greta:

Your Royal Highness gaga! Diba siya ung mahilig sa mga corona at skepter na akala mo eh sasagala sa Flores de Mayo?

Bibingandangpato:

Bakit kasi may ganun pa eh!

Greta:

Paano naman siya paniniwalang naghihirap eh kuntodo mok up pa ang hitad at naka jolahas pa na mukhang di kakayanin ni tambunting tumbasan kung isasanla sa kanya.

Marge:

What about her Araneta daughter? not to mention Imee and Bongbong Marcos who are all filthy rich! I don't think that they will allow their mother dear to suffer just like that.

Bibigandangpato:

Uwian na nag english na ang lola nyo nyahahahahaha.

Greta:

Iyan ang mga klase ng taong sumisira sa ating lipunan. Ewan ko ba kung bakit maraming nagpapaloko kay Imelda gayung puro pagpapaganda lang naman ang alam niyang sabihin. Bakit mapapakain ba tayo ng kagandahan? Kung hindi ba sa kanyang makapal na mok up eh mas maganda pa sa kanya siguro si Madam Auring. Ano naman ang alam niya sa paghihirap eh puro pagpapasarap lang naman ang inatupag niya habang nasa poder pa sila ng kanyang under de saya na jowa.

Bibigandangpato:

Pati tuloy ang mga bakla ginagaya na siya kamukha nitong nasa ibaba. Reyna reynahan ang lola nyo! Ano siya reyna ng Canal dela Reina sa Binondo? Ambisyosa - masamang ehemplo sa mga kafatid nating nakababata hummmp!



0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment