Thursday, July 2, 2009

Hi-den Nag Sorry

.

Hi-den: I am Sorry (Sorry Talaga)
News Flash....mainit init pa (fresh from inudoro yuck)

Katatapos lang ng hearing sa himpilan ng baranggay matapos dinggin ang reklamo ni Katih kay Hi-den matapos itong umamin na siya ang may pakana ng pag kalat ng hubad na picture ni Katih. Present sa meeting si Kapitan, mga kagawad, mga tanod, pati na rin ang sandamakmak na usisero at mga chismosa sa buong bayan ng Jubail. Nanduon din siyempre sa hearing ang mga bida sa scandal na sila Hi-den Cam at Katih Camuten kasama ang kanilang mga abugado. Napag desisyunan sa hearing na tumagal ng halos limang minuto lamang na i-uurong ni Kathi ang kanyang demanda kapalit ng pag hingi ng tawad ni Hi-den sa kanyang mga nagawa. Pumirma sa isang manipesto si Hi-den patunay sa kanyang pangako na hindi na niya guguluhin ang bagong mag jowa na si Kathi at Count Dracula sa kanilang masayang pagsasama. Marami ang nagulat sa desisyon ni Kathi na humingi lamang ng napaka gaan na parusa sa nasasakdal.

Ito ang panayam ng ating field reporter sa kanya pagkatapos ng hearing sa labas mismo ng himpilan ng barangay... pasok pokie (parang bastos)

Pokwang:

Ms. Kathi bakit parang napaka gaan naman ng parusa na hiningi mo para kay Hi-den pagkatapos niyang ipangalandakan sa buong bayan ang iyong paninda este ang iyong hubad na larawan.

Kathi Camuten:

Masyado kasing mababa ang loob ko madali akong naawa lalo pat sinsero ang humihingi ng paumanhin sa akin. Hindi naman daw niya sinasadya ang mga pangyayari.

Pokwang:

Hah! hindi niya sinasadya matapos niyang i-photoshop ung picture tapos mag photocopy pa. Ano yun nabigla lang siya?

Kathi Camuten:

Iyon ang sabi niya naniwala naman ako. Nakita nyo naman ung picture niya sa news daba, halos nag mamakaawa na siya sa pag sorry sa akin. Di ba kapitan nakakaawa siya sa picture niya.

Pokwang:

Tingnan mo ngang mabuti ang picture niya sa news, paano mo naman nasabing sinsero siya, ni wala nga siyang salawal bagkus nakalabas pa ang kanyang ari na parang naninigas pa. Hindi ka ba natatakot na may mga grupo ng mga kababaihan na magagalit sa iyo dahil sa pag atras mo ng demanda. Paano na ang dignidad, respeto sa iyo bilang babae, at sa mga nakakita ng larawan mo, hindi ka ba nagagalit dahil hindi na iyon mabubura sa isipan ng mga manyakis sa paligid natin? Marami din daw sa mga kababayan natin ang isinugod sa ospital kanina dahil sa panlalambot at pagkahimatay dahil nawalan sila ng gana sa pagkain matapos makita ang picture sa kanilang mga pintuan kaninang umaga.

Kathi Camuten:

Asus iyon lang ba? wala iyon kung gusto mo bigyan ko pa kayo ng pictures eh, marami ako niyan.

Pokwang:

Ewan bahala ka! Balik sa iyo julius.....

Marge:
(astang Ces Drillon)

Iyon po mga kababayan ang bagong mga pangyayari dito sa bayan ng Jubail. Ganun lang po natapos ang scandal ni Kathi at Hi-den na hindi man lang tumagal ng 24 hours. Marami ang nagalit dahil sa hindi inaaasahang verdict ng kaso. Katulad ng mga ibang kaso, wala naman po tayong magagawa dahil iyon pa ang naging desisyon ni Ms. Kathi Camuten. Hanggang sa muli eto po si Marge Singson...nag uulat!



1 comment

Anonymous said...

Kakainis siya huh!

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment