Monday, May 25, 2009

BekBek Napirata!

.


Pokwang:

Bibi narinig mo na ba ang bagong chismak tungkol sa isang pag iibigan na tumagal ng ilang libong taon subalit nauwi rin sa paghihiwalay?

Bibigandangpato:

Loka luma na iyan ung kay Romeo and Juliet?

Pokwang:

Hindi gaga! tungkol ito sa isang may idad na beautician na may kinakasamang isang driver. Alam mo bang bigla na lang iniwan ng beautician na ito ang kanyang kinakasama isang umaga para sumama sa isang lalaki na isang namang mekaniko, balita ko mukha daw mananangal sa sampaloc ang lalaking ito.

Bibigandangpato:

Ano ba naman iyang babaing iyan mahilig sa mga lalakeng ang hanapbuhay eh may kinalaman sa sasakyan. Baka naman ang sumunod na samahan niyan eh isa namang kundoktor! Pati ba naman aswang eh pinatulan! por dios por santo!

Pokwang:

Korak! usap usapan sa buong Qatif Street na pananalapi daw ang dahilan ng paglipat ng kandungan ng beautician na ito! At sinisisi nila ang isa pang beautician na kaibigan umano ng nasasakdal dahil sa kinarir na di umano ng huli ang pag bubugaw ng mga comfort women dito sa Jubail.

Bibigandangpato:

Grabe! akala ko eh DVD lang ang pinipirata pati pala bekbek pinipirata na rin. Kawawa naman ung driver. Ano daw ang reaksyon ng biglang lumipat ng istasyon ng kanyang kinakasama?

Pokwang:

Ewan ko lang pero para naman siyang sinampal ng sampung baklang chaka sa nangyari, imagine ah basta ayaw kong isipin muna kasi kakain pa ako ng hapunan.

Bibigandangpato:

Sige Pokie balitaan mo ako ulit bukas.

Pokwang:

Sige babooooooo!

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment