Saturday, May 30, 2009

News Break!

.

Madalian lang ito.


Nagsampa ng kaso sa barangay si R laban kay Greta.

Ayon pa kay R siniraan daw siya ni Greta . Ang kanyang witness ay si Al na nagtatrabaho sa isang imbakan ng tubig dito sa jubail. Ayon kay Al sinabi ni Greta na "marumi sa katawan" si R.

"Sabi rin ni Greta na nakikipagchukchakan daw si R sa isang lalaking batang bata," sabi ni Al.

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Greta ang naisampang kaso laban sa kanya.

"Sa Friday pa ise-serve ang demanda," sabi ni Al.

Si R ay isa umanong hiwalay sa asawa sa Pinas. May relasyon sila ni Al.

=============================================================================

Live News Coverage:

Pokie alias Jessica Soho, pasok!

Pokie "Umaga pa lang ng Huebes ay naiserve na ang summon kay Greta para sya ay magpakita sa hearing na gaganapin bukas, Biernes. Ayon pa kay Greta handa raw syang harapin ang kaso. Eto po ang ang ating panayam sa kanya."

Greta: "Ready na ako."

Pokie: "Hindi ka ba natatakot?"

Greta: "Bakit ako matatakot? Si Al ang pumunta sa bahay namin at nakipagkwentuhan. Joke lang naman yong sinabi ko pero sineryoso nya."

Pokie: "Iyon po ang maikling statement ni Greta. Back to you Julius"

Marge: "Leche ka Pokie hindi ako si Julius".

Katahimikan.

Bibigandangpato alias Doris B, pasok!

Bibigandangpato: "Nakausap din natin si Al at eto ang kanyang sinabi."

Al: "Anong joke? Seryoso yon. Siniraan niya si R Sabi niya marumi daw sa katawan, mahilig lang daw maglinis ng mukha pero ang dumi daw sa katawan. Tapos, sabi pa niya kaya daw nawawala parati si R eh parati raw pumupuslit sa bahay namin at ginagawa daw akong boytoy katulad ni Hayden".

Bibigandangpato: "Totoo? Ano pa? Sabihin mo lahat."

Al: "Wala na. Yun lang kasi umalis na ako kaagad."

Bibigandangpato: "A OK. Ano ba itong nababalitaan namin may relasyon daw kayo ni R?"

Al: "No comment."

Bibigandangpato: "At iyon po, narinig nyo mismo sa napapabalitang lover ng nag-aakusa na sya mismo ang nakarinig sa umanoy paninirang puri na ginawa ni Greta. Back to you, Julius."

Marge: "Puta ka Bibigandangpato Hindi nga ako si Julius".

Katahimikan uli.

Ising alias Susan Enriquez, pasok!

Ising: "Ano nga ba ang mangyayari sa hearing? May away bang magaganap? Aaminin kaya ni Greta ang kanyang ginawa? Hanggang saan hahantong ang kasong ito? Nakausap po natin ang isang sociologist at eto ang kanyang sabi."

Aling Tinay: "Tumigil sila. Pare-pareho silang marurumi sa katawan!"

Ising: "Pasensya na po, wrong video clip. Back to you Julius."

Marge: "Potah kayong lahat ang gulo nyong kausap!"

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n: :w: :o: :p: :q: :r: :s: :t: :u: :v: :x: :y: :z: :aa: :bb: :cc: :dd: :ee: :ff: :gg: :hh: :ii: :jj: :kk: :ll: :mm:

Post a Comment